Tuesday, July 29, 2014

mahilig ako sa "S"

....a repost from my old Xanga blog (march 2009)



oo. mahilig ako sa “S”. normal lang naman yun e di ba? explain ko.
simulan natin sa tanong na. sino si sweet_sentiments.

sabi nila kamukha ko raw si martina hingis pero mas feel ko na sabihin nyo na kamukha ko sa maria sharapova. bakit parang nasusuka ka. hindi? hindi ko kamukha? yaah! hiyah! hiyah! o di ba, sound-alike naman kami? pede na yun. pumayag ka na! naman. kala ko ba prenship tayo. hmpf.

anyway.
so bakit sweet_sentiments. ewan ko nga ba. basta ang alam ko nung college ako transition acid ang handle ko sa mga chat rooms. e biglang nalimutan ko password ko sa yahoo account ko so kelangan ko mag-isip ulit ng bago. basta gusto ko kasi two words. tapos habang nagmu-muni-muni ako ng magandang handle sumisipsip ata ako ng stork na candy nun. e di ba matamis yun. pangit naman kung sweet_maanghang di ba. kaya kelangan ko mag-isip ng iba. e nung time na yun nage-emote ata ako. kaya sentiments naisip ko.

sweet.

sentiments.

inulit-ulit ko yan sa utak ko habang nakatitig ako sa batok ng babae sa harap ko. then finally.

hmm, pwede! !

oops. lumingon ung batok. tumingin na lang ako sa kisame. at nagpanggap na nanghuhuli ng langaw. nung nde na nakatingin si batok. punta na ako sa yahoo dot com.

“do you want to sign up for a new account?”
hell yeah!
and sweet_sentiments was born.

punta naman tayo sa hobbies. para masaya. at alam ko curious ka na sa S na sinasabi ko.
mahilig akong magmasid ng magagandang tanawin. like fwet ng tao. lalake o babae. di pede mukha. rude to stare. achaka. mahiyain ako di ba. LOL. anyway, speaking of fwet. nung 1st time ko nakarating ng america nde ako na-culture shock. na-fwet shock ako. dito ka makakakita ng fwet na singlaki ng balloon. balloon na gamit sa hot air balloon festival sa pampanga ha. at pramis. mame-mesmerize ka. habang naglalakad ang may-ari ng ga-gargantuan na fwet na ganun parang nihi-hypnotize ka nya. parang sinasabi nya sa yo. tumingin ka. tumingin ka. tumingin ka. tip lang. try not to think of the song “drop it like it’s hot”. bakit? subukan mo. ewan kung makakain ka. tapos kwento mo sa kin ha. para pagtawanan kita.

teka. balik tayo sa hobbies.

so ano pa ba. mahilig akong makipag-socialize. masarap sumagap ng chismis e. kung sino na boyfriend ni ganito. ni ganyan. ano kamo? sino na “lab layf” ni ayeen? teka ako nagkukwento. bawal kayo magtanong.

mahilig ako kumain kaya forever on a diet ako. filipino. indian. jamaican. italian. american. mexican. chinese. vietnamese. tabi-tabi-nese. turo-turo-nese. tusok-tusok-nese. basta edible. kinakain ko. anytime. any day. anywhere. mas expose sa alikabok the better kasi mas masarap yun. aba. case in point. na-try mo na ba magluto ng fishball sa bahay nyo? di ba mas masarap pa rin ang fish ball sa ayala? at mas masarap kumain ng fishball habang tumatakbo ka kasama ang fishball vendor dahil hinahabol sya ng mga tanod ng makati (kasi nga manong bawal daw magtinda jan. dapat dun sa kabilang block. tago ka sa puno).

oh! at ang pinaka importante. mahilig ako sa …
“S”
.
.
ano yung s? .
.
“s” as in–
.
.
sex?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
singing, gaga!
sus.
ewan ko sa yo.
matulog ka na nga.

0 Comentarios:

Post a Comment